(Request ni Gem Pesiao! quote gikan niya: “ako ang pinakagwapa!”)
Author: Milo Par Pamonag
ANG MILIMINAS, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito. Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas. Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o humigit pa rito ay mikinaryo.
SA PAMAMARAAN NG PAGBIHIS ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga kalalakihan.
ANG MGA KAKAIBANG BATAS NG MGA MILIMINAS ay ang mga sumusunod: Sa pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin.
SA PAGBIBIGAY NAMAN NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN, kalimitang nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo, ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa, ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.
SAMAKATUWID, KARAMIHAN SA KANILANG MGA BATAS ay kabalintunaan ng mga batas natin sa ngayon tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga genuine o tunay na produkto, ang lisensyadong baril ay ipinagbabawal, ang pagbebenta ng mga bazaar na iligal kaysa sa mga sidewalk na umuuukopa sa mga kuwarto-kuwarto.
SA PULITIKA NAMAN NOONG SA PANAHONG IYON, uso rin ang tinatawag na kickback na kung saan ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa bawat suhol na kanilang matatanggap at pinararangalan ang sinumang makapal na ang likod dahil sa mga sipang natanggap nito. Ang batasan nilang kilala sa tawag na Circus of Miliminas na kung saan nahahati ang batas para sa mga mayayaman at mahihirap. Ang mga malalaking transaksyon ng Miliminas ay kalimitan ring ginagawa sa ilalim ng puno – ang shady transaction. Isa pa rito ang matataas na mesa ng mga opisyal na kung saan ginagawa ang under the table tansactions upang hindi mauntog ang mga dumaraan dito. At marami pang iba.
RELIHIYOSO RIN NAMAN ANG MGA MILIMINAS, na kung saan ay may kinikilala silang tatlong panginoon – ang pera nilang mik, ang buwaya at si Santasa na maihahalintulad natin kay Satanas nagyon.
SA PAGKAKAROON NG ELEKSYON hindi natatakot ang sinuman na mamatay o pumatay. Sa katunayan ang sinumang may mas maraming napatay ay ang siyang nananalo rito. Tuwing ikalawang taon ginaganap ang eleksyon dito sa Miliminas, kung gayon ay mabilis maubos ang populasyon nito. Dahil dito, naimbento ng isang henyo ang isang tableta na iinumin ng mag-asawa upang magkaroon sila ng anak at mailuwal ito sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras, ito’y tinawag na instant baby.
ISANG KARANGALAN ANG GUMAWA NG KABUTIHAN SA MILIMINAS na kung saan ang mabuti ay mas kilala natin bilang masama para sa ating pananaw. Tulad ito ng mga kickback artist, mga mayayamang mapang-api sa mahihirap, mga tiwaling opisyal, mga magnanakaw at marami pang iba. Na sa kabilang dako ay ang sinumang gumagawa ng marangal at mabuti [ayon sa ating pananaw] ay ang siya pang nahihiya at ipinagkukubli ang mga ito.
DUMATING RIN SA KANILA ANG PANAHON na kung saan ang mga kabataang may malawak na pag-iisip ay tumawag ng isang pagpupulong upang iparating ang mga pagbabagong nais silang isagaw. Subalit sila’y pinagtawanan at kinutya. Ngunit ng lumaon, dumarami ang mga dumadalo rito kung kaya’t ipinagbawal ng pamahalaan ng Miliminas ang pagpupulong at tinawag silang mga dungis ng lipunan.Ngunit nakuha ng mga kabataan ang simpatiya ng mga mahihirap kaya nagsiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.
ISANG PARUSA ANG NAGMULA SA KANILANG DIYOS NA SI SANTASA, isang dakilang pagbaha at paglindol ang kanilang naranasan at ito’y nagdulot sa pagputok ng isa sa mga malalaking bulkan sa kalaliman ng Miliminas na nagdulot ng paglaho ng Miliminas sa sansinukuban.
Source:http://johnfelix14.multiply.com/reviews/item/1
haha. i know this! 😛
haha the s2ry s vry funny it made tummy ache
haha . nice ! senior stuff nga . ahehe . ü
pwede bang malaman kung anong istilo ang ginamit ng author?ano ang kanyang kontekstwal?
ano ang damdaming nangingibabaw sa author?
hello again……………..bakit?ano ang gusto niyang ipahatid sa atin o mambabasa?
please answer my questions ill visit again..to see your answers thank you
nYaHahA i fiNaLLy knEw diZ..
miLiMinAs!
nYaHahA
fUnNy..
=)
miLiMinO..
hiHi
buti may nahanap kami nito kasi assigment namin to!!!!!
TY.
un may issasagot na q s test nmen
hekhek !!!!! nkakatuwa nuh !!! totoo kaya tOh ?? weh ? kalokohan pEro ok din ahh !! hekhek !!
hay …..assignment namn nyan slamat nkta ko rn ang miliminas eheh
kkbasa ko lang n2 kanina at sobrang nakakatawa..
pinagaralan xe namin xa..
☺
actually tinutuligsa lang ung pilipinas jan..
bWAhAhA!!!!!!
tnx ass. dn nmeN e2 e……..
nka2tuwa bshin nman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
good job!!!!!!!!!!!!!!!!!
this story is included in my Filipino IV textbook… reminds me of the current situation today here in the Philippines
nkakatawa kasi yung bawal natin ngayon naging mabuti para sa miliminas……….hehehe
san po ba makakahanap ng mga otoridad para sa teoryang romantisismo? yun yung ginamit dito diba? hehe.gagawa kasi kami ng pagsusuri dito eh..hehe..salamat po..=]♥
slamat jud!!!
ky nkit annn!!!
na nko ang miliminas!!!
hmmmmmmmm!!
txn!!!
HRM CUTE!!!!
Sna hndi yan totoo!!!
hmmmmmmmm!!!
kng totoo man
yan!!!!
ambot lng!!!
from saint ann!!!!
hrm cute!!!!
sa tingin ko hindi naman ito totoo eh kalokohan lang ito !
hekhek ang cute naman ng kwento!!!!!!!!!!!!! i like it!!!!!!!!!!!! hehehehehehehehe
grav…220 nga b?,.,….
cge lng..hehe
hahaha
this text was already discussed by our proctor
they said ipitin m ilong m den say the word PILIPINAS
hahaha
LOL
ung istilo ng ginamit ng may akda dito ay PAHIWATIG
na kung saan ginamit ang mga kakaibang pangyayari na may kinalaman sa sa ating bansa kung patuloy pa ang nangyayari sa atin sa kasalukuyan
hindi malalayo at maglalaon ay magiging ganyan n ung bansa natin dahil sa malpractice ng mga tao
romantisismo poh yan huh.,.,.,.dats all
ang miliminas ito ang pa 2loy na nangyayari parin sa ating bayan dahil nag hihirap parin ang ating pilipinas na lalalo pangang lumalala sa pilipinas dahil marami pring nag hihirap na mga tao at hindi pantay-pantay ang mga tao ………………..alex ngapala ^^
nu ung “hues de paupas”,”super black market”,”mikinaryo”
Jejeje…Ito ay tungkoL sa mga pangyayari, bagay, tao, at kaugaliang kabaLigtaran sa tunay na mundo…Nakakatawa talaga ang paksa nito!!! ^_^
para sa akin parang totoo ang mga kwento at tanong ko lang san ba nya nakuha yung ganong story well sana maramai pang taong babasa nto hindi lang sa kwento2x kundi sa totoong buhay cguro tooo at sana buhay pa ang taong nagsusulat nitong miliminas. yun lang ngayon alam ko na kung ano ang miliminas.
sana marami pang taong mas maeenjoy ang pagbabasa ng ganitong klaseng kwento at sana din sa panahon ngayon sana in my dreams sana makita ko ang miliminas sa ilalim ng dagat. thanks for a lot.
ngek,,
toto-o ba 2 o hndi?????//
hmmm…jejeje parang gsto
k n ytang maniwala eh…!!!!!!
if 22o mn 2.
ayaw ko pring
sumunod nohh!!!!..
siguro????
kabaliktaran lng
yta 2…gaya ng sabi ng iba…
i do believe that miliminas is just a myth…
Ba’t taong 0069? Ano kaya ang nasa utak ng awtor dito? Pede namang iba ha,
waw pwede ba akong pumonta dyan kasi ang ganda
helloowww…lam nyo guys…
feeling q tlga 22o toh!!!
kc….kaya lng nmn nwla
yan sa mapa ngayon…bcoz
nagkaroon ng malaking baha
sa miliminas…and d nmn natin pwdng sbhn na
nwla lng yan dahil nabahaan…ryt??
xmpre…minalas ang miliminas
pumutok ung bulkan…kaya yon!!!
nwla…..ahehehehhe(LOL)
ok lng yan,,,,
yan rin naman ang totoo..
mahirap mang isipin,
pro tayo ay tayo..
kung gusto nating magbago,
simulan natin sa ating mga sarili…
god bless!!!
hehehe!!! nakakatawa nmn ng miliminas…. lahat ng mali sa atin ngayon, mabuti para sa kanila….. nako po!!!! nakakatakot palang maging mabuti sa panahong yan…
pilipinas este miliminas onti na lang deperensya hehe san ka maniniwala sa nakikita mo o sa nararamdaman mo. hehe w8 q sagot bukas.
its a fiction story by author dedication ang pinas. tau ang inihahalintulad sa miliminas, between government at namamahala ng pinas. ehem opiñon lng naman un sakin ha easy lng.
fs;torpedo_knight01
bulokrasya daw sabi ng katabi ko.
hmm.hindi q pa ‘to nababasa.hmm.actuali.isa ‘to sa mga projects nmin.hmm.pwede matanong?teoryang romantisismo ba ang nangingibabaw sa texto?kailangan q ng sagot.plS.thNx!
mgling ung gumwa ni2…grabeeeeeeeeeeeehhhhhh………
.,dpat matauhan ang mga tao d2…lalo na ang mga pulitiko
cguro ung gumwa ng kwe2ng e2 ay dating hndi tao,,.cguro natauhan lang…
matt manalili ../.santing lalaki…
.,ipalasbas nmn ninyo sa tv,.para maging tao ang mga tao,.like me
ang kwentong ito ay naaayon sa teoryang romantisismo..
irony.. heheks. kuhang kuha ang pilipinas,
..actually..kun ttgnan niu..,iniinsulto na tayo jan..kun baga..,wats happening in miliminas is the exaggerated reflection of the present state of our country..kya gnun..nkktwa ung iba..pero the truth is..,nang-uuyam na..
is this an essay or a short story?….
…answer me plsss….
hi. lam q n 2. khpon nga lng. haha.. during our seminar s journalism. quite funny,totoo nmn. hehe.
@white rose:
we’re in a democratic country, we have freedom of speech. ilabas m lng kng ano ung mga nkikita m s kpgliran m. 🙂
ei..ang ganda nito..eto ung kwento namen nung hayskul p kame..nd namin alam kung ano ung tinutukoy un pla ung MILIMINAS eh sumisimbolo s bansang PILIPINAS..astig ung mga batas at ditalye ng bansang ito..hehe.
from: BANTON NATIONAL HIGH SCHOOL.
Banton, Romblon
maganda namn talga ang concept at nilalaman ng sanaysay.
nais lamang ng may akda n2 na ipahiwatig sa atin na mga manbabasa kung anu ung mga kamalian na ating nagagawa na hindi natin na papansin….
isa pang dahilan..sapagkat ayaw nating mapagsabihan nang ating mga mali…
kaya magandang halimbawa e2 para sa ating lahat na malaman nang kusang pag iisip ang kahalagahan ng pagkilala at pagtanaw sa mga ginagawa natin…
>>>napaka serius noh??..hehehehe..
i love MILIMINAS!!! ahahha..
bakit to’ naging TEORYANG ROMANTISISMO?
,.tnx,.output nmin 2,.!!!!!
,hehe,.
,.nak2tuwa ahh,.
,.miliminas,.
,.anoh naw,. ,.nyahaha,.!